Dennis Trillo gamely plays along with "Showbiz Central" Killer Task
August 26, 2008
“Ah, siyempre, bihira lang naman ang mga taong nagpapakita
ng ganyan sa akin. So, overwhelmed. Actually, akala ko noong una, parang biro
lang or nagpapa-cute lang. Nakakatuwa lang talaga na meron… Kapag nalalaman mo
na may mga taong nag-a-admire pala sa ‘yo,” says Dennis Trillo about the
admiration John “Sweet” Lapus has for him.
Pia threw the first question. Malapit na nga raw ang first birthday ng anak nila ni Carlene Aguilar, totoo raw ba na super bongga ito?
“Actually, I don’t think na bongga yung appropriate word. Para sa akin, special siya kasi, siyempre, first birthday ‘yan ng anak ko. Kaya gusto ko maging memorable yun para sa kanya at gusto ko, maging happy siya sa special occasion na yun na minsan lang naman sa buhay niya.”
RESPONSIBLE DAD. Tinanong naman ni Mo si Dennis sa reaction nito tungkol sa sinabi ni Carlene na very responsible dad daw siya.
“Wow! E, di siyempre, ikaw ang masabihan ng ganoon, na positive… Siguro, bihira lang din niyang masabi yun. Siyempre, masayang-masaya, dahil finally, okey na rin kami at maayos na ang lahat. At saka, maayos na ang nasasabi sa isa’t isa. At siyempre, sobrang happy ako na ganoon ang tingin niya at nakikita na rin ang mga effort ko.”
Ano raw ba ang mas mahirap gawin para kay Dennis, ang gumanap ng good boy or bad boy?
“Mas na-excite akong gawin yung recent ko na ginawa, yung sa Magdusa Ka dahil medyo may pagka-offbeat yun. Hindi naman siya yung sobrang masama talaga. Iba lang siya sa usual na ginagawa na boy next door na sobrang bait; at tingin ko kasi, mas interesting na makakita ang mga viewers ng iba kesa yung palagi nilang napapanood na stereotypical na leading man.”
SWEET ADMIRATION. Dennis was also asked what he felt about John “Sweet” Lapus being very vocal sa pag-admire sa kanya at pagpapa-cute.
Nangiti si Dennis bago sumagot. “Ah, siyempre, bihira lang naman ang mga taong nagpapakita ng ganyan sa akin. So, overwhelmed. Actually, akala ko noong una, parang biro lang or nagpapa-cute lang.”
Pero ibinuking ni Mo na nagpa-lipo pa raw si Sweet para kay Dennis.
“Nakakatuwa lang talaga na meron… Kapag nalalaman mo na may mga taong nag-a-admire pala sa ‘yo.”
NOW, SWEET CAN “DIE.” Now, for the Killer Question or Killer Task portion, Dennis chose the Killer Task para raw masaya.
And the Killer Task was: “Isa sa aminadong may malaking crush sa ‘yo ay ang Showbiz Central host na si John Lapus. Sa past guestings mo, natupad na ang isang wish ni Sweet at ito ay ang maka-kiss sa ‘yo. Ngayon naman, ang killer task sa ‘yo ay ang tuparin mo ang isang wish pa ni Sweet, ang maka-duet ka sa isang romantic na kanta.”
Naging sport nga si Dennis at sinimulang kantahin ang
request ni Sweet na All Out Of Love. At sa huli, may pabirong
dialogue ang Sweet ng pasasalamat sa Showbiz Central at puwede na raw
siyang mamatay.









Reader Comments