Katrina Halili challenged by director Joel Lamangan in "Obra"
August 10, 2008
Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter, may
suspense, drama, sexy, at comedy. Like yung kambal ako, dalawang
personality ‘yon; matino ka, ‘tapos biglang nagiging parang may sayad ka.
Iba-iba ang mapapanood sa akin dito kaya enjoy ako,” says Katrina Halili about her challenging roles in Obra.
“First time po akong naidirehe ni Direk Joel, e. Opo, kinabahan ako kay Direk. Natatakot ako, hindi ko alam kung nagagawa ko ang gusto ni Direk. Pero kapag hindi gusto ni Direk, sinasabihan niya ako na, ‘Hindi ko naramdaman, ganyan-ganyan…’ Inuulit lang po. And sa totoo lang po, napi-feel bad na ako lately sa acting ko. Parang hindi naman ako ganito dati, ewan ko ba,” saad ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Obra noong Huwebes, August 7, sa Mandarin Oriental Hotel sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Pero idinagdag ni Katrina na mas nakaramdam siya na ma-challenge sa Obra kesa kabahan dahil sa pagiging premyado ng kanyang direktor sa naturang episode.
“Opo, natsa-challenge ako dahil Direk Joel ‘yan, e. Pero hindi ko maintindihan, medyo nahihirapan ako ngayon mag-ano, e, siguro dahil sa pagod. Kasi halos every day ay puyat. Lalo na sa Magdusa Ka, hanggang umaga ay iyak ako nang iyak doon, ‘tapos puyat pa.
“Lalo na noong nakaraan, nag-Magdusa ako ng six to eleven a.m, ‘tapos dumiretso ako ng Obra na hanggang eleven a.m. din ‘yon [kinabukasan], kaya lagpas isang buong araw ay nagtatrabaho ako bale,” wika ni Katrina.
Epekto nga ng sobrang trabaho na halos wala nang pahinga kaya parang ngarag na ngarag lagi ang young actress. Puwede ngang tawaging “ang babaeng walang pahinga” si Katrina dahil sa dami ng kanyang projects. Kabilang dito ang kanyang coffee table book, tatlong pelikulang nakatakda niyang simulan—Miss X at One Night Only ng OctoArts Films at Sundo ng GMA Films with Robin Padilla. Plus, nariyan pa ang Gagambino with Dennis Trillo at ang Obra na magsisimula ng mapanood sa August 14, Thursday.
FOUR EPISODES. Overworked man, masaya si Katrina sa pagkakataong ibinigay sa kanya para sa apat na pilot episodes ng Obra.
“Apat na episode kasi ito, yung kay Direk Jun Lana, ‘Misteryosa,’ bale kambal ako doon. Yung isa, parang manang-manang ang tipo, yung isa naman ay parang sopistikadang manamit. Bale suspense-thriller ito.
“Iyong kay Direk Joel Lamangan naman, taong grasa-drama ito. Magdadrama po ako rito, medyo nahihirapan nga ako. Dinumihan talaga ako dito, as in taong grasa, maruming-marumi talaga at pati ngipin ko, nilagyan nila ng itim. At saka may scene ako rito na manganganak, e, ngarag na ako at walang boses, e.
“Yung isang episode naman na gagawin pa lang namin this week din, si Bibeth Orteza naman ang director. Comedy naman po ito at kasama namin doon sina Eugene Domingo, Eddie Garcia, at iba pa. Yung huling episode po, ang direktor ay si Direk Maryo J. delos Reyes, ‘Bayaran’ ang episode na ito, medyo bitchy-bitchy naman yung karakter ko rito,” paglalarawan ni Katrina sa apat na episodes na gagawin niya sa Obra.
Wala siyang itulak-kabigin sa bawat episode, kaya’t nasabi niyang lahat ay challenging at nag-enjoy siyang gawin.
“As in lahat po, e, kasi iba-iba… Iba-ibang istorya, iba-ibang karakter, may suspense, drama, sexy, at comedy. Like yung kambal ako, dalawang personality ‘yon; matino ka, ‘tapos biglang nagiging parang may sayad ka. Iba-iba ang mapapanood sa akin dito kaya enjoy ako,” nakangiting saad ng StarStruck alumna.
Nagbida si Katrina sa pelikulang Gigil at sa magtatapos na drama series na Magdusa Ka, pero prior to this ay puto kontrabida ang roles niya. Ngayon kaya ay tuluy-tuloy na ito ng bago niyang status bilang full-fledged leading lady o bida?
“Sa ngayon, ang mga ibinibigay talaga sa aking project ay mga bida,
e. Hindi ko naman po masasabi kung ano ang
ibibigay sa akin ng GMA-7. Pero sa ngayon po talaga, hindi ako magkokontabida
and nagpapasalamat ako sa pag-aalagang ibinibigay sa akin ng GMA,” sani
Katrina.





Reader Comments